Mag-chill ka lang diyan

May 26, 2012

Mag-chill ka lang diyan…
Habang sa mundong mapait,
may dalagang nagtatrabaho
habang magula'y tulog.
Binatang nagtutulak.
Ng Kariton. Ng droga-
Ng kahirapan.

Mag-chill ka lang diyan…
Habang sa mundo na 
puno ng tanong,
may mga sundalong lumala-
ban. Para sa mga haring 
walang -paki-
alam.

Mag-chill ka lang diyan…
Habang ang pilosopo'y nag-iis
ip,
At ang kabataa'y nasusunog
sa debate ng Diyos
at kahulugan,
at buhay.

At sa rumaragasang 
daloy
ng putik
ng kahulugan,
ng apoy
ng mga tanong,
ng dilim
ng walang kasagutan.
Mag-chill ka lang diyan.

Wala kang dapat problemahin.
Wala kang dapat pro.
Wala ka.
Wala.

← Back to all posts